Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga prosecutor na humahawak sa kaso ng mga NDF at CPP leader na ibalik ang mga ito sa kulungan.
Ito’y makaraang maunsyami muli ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.
Ayon kay Guevarra, ipinag-utos na niya sa mga piskal ang paghahain ng kaukulang mosyon sa Manila at Taguig Regional Trial Courts o ipa-revoke ang court order na nagpahintulot sa mga NDF consultant at leader na maghain ng piyansa at makabiyahe sa Netherlands o Norway.
Sa oras aniya na katigan ng mga nasabing korte ang hirit ng DOJ, dapat bumalik sa kani-kanilang selda ang mga communist leader pero kung magmamatigas ay ipaaaresto ang mga ito.
—-