Tiniyak ng Philippine National Police ang mahigpit na pagpapatupad ng “plainview doctrine” sa mga COMELEC checkpoint sa buong bansa.
Ito ang binigyang diin ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde matapos ipatupad ang nationwide checkpoint bilang simula ng election period.
Ayon kay Albayalde, walang dahilan para ibaba ng mga motorista ang bintana ng kanilang sasakyan sakaling inspeksyunin ng mga pulis.
Gayunman, nilinaw ni PNP Spokesman, Chief Supt. Benigno Durana na may exemption sa doktrina lalo’t kung may makitang kahina-hinalang kontrabando sa loob ng sasakyan.
Sa ganito anyang sitwasyon ay kailangan na ng physical searching at sakaling mapatunayan na may dalang kontrabando ang mga motorista tulad ng iligal na droga at armas ay maaari na silang arestuhin.