Ipinamahagi na ng Land Transportation Office ang mga bagong plaka ng sasakyan para sa mga nagpa-rehistro simula nuong Hulyo ng taong 2016.
Gayunman, nilinaw ni LTO Chief Asec. Edgar Galvante na marami pa rin sa mga naunang nagparehistro bago ang July 1 2016 ang hindi pa rin makakukuha ng kanilang plaka.
Ito’y dahil sa hinihintay pa nila ang magiging pasya ng Commission on Audit hinggil sa naunang kontrata ng lto sa suplayer nito na isinailalim sa pagbusisi.
Wala rin aniya sa mga ipinamamahaging plaka ang para sa mga motorsiklo dahil sa hinihintay pa rin ang magiging pasya ng kongreso kaugnay naman ng panukalang palakihin ito.