Nakakasa na ang Plan B ng Department of Education.
Ito ayon sa DepEd ay kapag nagkaruon ng aberya ang pagbubukas ng klase sa October 5 bagamat syento porsyento na silang naghahanda para rito.
Sinabi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na naiintindihan nila ang duda ng ilan sa kahandaan nila sa pagbubukas ng bagong school year.
Hindi naman aniya mape perfect ng DepEd ang pagbubukas ng klase na ilang beses na ring naantala subalit tiwala silang wala nang magiging balakid sa tuluyang pagbubukas nito sa Lunes.
Ipinabatid ni San Antonio na mayruon naman silang contingencies sakaling hindi pa makarating sa ilang lugar ang mga gagamiting modules ng mga mag-aaral.
Binigyang diin ni San Antonio na walang naging aberya sa final dry run ng kanilang broadcast media learning modality maging ang iba pang uri ng pagtuturo ngayong nakakaranas ang bansa ng COVID-19 pandemic.