Dapat na magkaroon ng plan b ang gobyerno sakaling hindi mapasa sa Kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito ayon sa third party monitoring team kasunod na rin nang lumalabong kapalaran ng BBL na maging ganap na batas.
Hinimok ng naturang independent body ang gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF panel na paigtingin pa ang pagsisikap na maipasa ang BBL alinsunod sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Gayundin ang pag-manage sa expectations ng publiko sakaling tuluyang mabasura ang BBL.
By Rianne Briones