Kinondena ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang bantang dulot ng terorismo hindi lamang sa Marawi kundi sa buong mundo.
Ito ay inihayag kasunod isinagawang trilateral meeting ng tatlong bansa kung saan nagkasundo ang mga ito na maglarga ng plan of action kontra terorismo.
Ayon sa Malaysian Foreign Minister, mahalagang magkaroon ng makabagong paraan para makaagapay sa ginagawang pag-atake ng mga terorista.
Sinabi naman ng Indonesian Foreign Minister na handa silang suportahan ang Pilipinas sa pagsupil sa terorismo lalo’t wala naman aniyang bansa na immune dito.
Inihayag naman ni Foreign Affairs Secretary ALan Peter Cayetano na kabilang sa napagkasunduan ay ang pagkakaroon ng kooperasyon para supilin ang ugat ng extremism tulad ng kahirapan, droga, krimen at kawalan ng hustisya.
Magkakaroon aniya ng malalim na intelligence coordination ang tatlong bansa para pigilan ang terorismo.
Haharangin din ang pagkalap ng pondo ng mga terorista gayundin ang pagpapakalat nila ng propaganda sa internet.
By Rianne Briones
Trilateral cooperation laban sa terorismo ikinasa na was last modified: June 23rd, 2017 by DWIZ 882