Magpupulong sa susunod na linggo ang mga miyembro ng infrastructure team ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa isang forum na inorganisa ng Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) at MVP Group of Companies.
Tatalakayin nila ang mga plano at proyekto na inilinya ng gobyerno para sa susunod na anim na taon.
Idaraos sa Lunes, Oktubre 10 ang EJAP-MVP Group Infrastructure Forum na may temang “The Road Ahead: Priorities for the Next 6 Years” sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Layunin nito ang short at medium plans ng administrasyon para sa imprastraktura ng bansa na binansagan bilang backbone ng ekonomiya.
Gayunman, Co-sponsored ng nasabing grupo ang PLDT, Metro Pacific Investments Corporation, BDO, Unibank at Megawide ang mga major sponsors. —sa panulat ni Jenn Patrolla