Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Filipino-Chinese Business Tycoon Andrew Tan at Macau-Based Galaxy Entertainment Group na magtayo ng Integrated Casino-Resort Projects sa Boracay.
Ito ang kinumpirma ni PAGCOR Chairperson Andrea Domingo sa tanong kung alin sa mga plano ng Galaxy Entertainment at Megaworld ni Tan ang inaprubahan ni Pangulong Duterte.
Gayunnman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Domingo.
Una nang binawi ng Punong Ehekutibo ang nauna na niyang pahayag at nilinaw na pinapayagan na niya ang mga casino sa Bora upang makalikom ng mas maraming pondo para sa pamahalaan.
Inihayag naman ni Domingo na bago pa magkaroon ng ban sa pagtatayo ng casino sa Boracay ay nakakuha na ng gaming licenses mula sa PAGCOR ang Megaworld ni Tan at Galaxy Entertainment. —sa panulat ni Drew Nacino