Suportado ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang plano ng gobyerno na magsagawa ng dry run ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang banta ng COVID-19.
Ayon sa UNICEF, hindi lingid sa kanilang kaalaman ang panganib sa pagbubukas ng mga paaralan ngunit maiiwasan naman anila ito sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols at infection prevention.
Giit ng UNICEF ang pagbabalik ng face-to-face learning ay nangangailangan ng polisiya at malinaw na alituntunin na siya namang naihanda na ng gobyerno.
Magugunitang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na maliit ang tyansa na mahawa ng COVID-19 ang mga bata sa paaralan kumpara sa ibang lugar.