Pinuna ng ilang magsasaka ang plano ng gobyerno na mag-angkat ng asukal upang madagdagan ang inaasahang kakulangan ng suplay ngayong taon.
Ayon sa mga sugar farmers, walang kakapusan dahil ito ang simula ng panahon ng paggiling o produksyon ng asukal.
Batay sa datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), na tumaas ng tatlong porsyento ang produksyon ng asukal sa bansa noong unang linggo ng pebrero kumpara noong nakaraang taon.
Gayunpaman, sinabi ng mga magsasaka na kung itutuloy ang importasyon, bababa ang presyo ng asukal at hindi na nila mababawi ang inilaang puhunan.
Samantala, ang Regional Trial Court Branch 73 sa Sagay City, Negros Occidental, ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) na “enjoining and restraining” sa SRA sa pagpapatupad ng nasabing kautusan.