Pinasususpindi ng World Health Organization (WHO) hanggang sa katapusan ng taong ito ang plano ng ilang bansa na magturok ng ikatlong shot ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ay para matiyak ang sapat na supply ng bakuna para sa developing countries o makapagpa bakuna kahit 40% lamang ng populasyon nito.
Ipinabatid ni Tedros na bagamat 5.5-B doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa buong mundo, 80% nito ay napunta sa high at upper middle income countries.
Una nang hiniling ng WHO Chief sa mga bansa na ipagpaliban hanggang buwang ito ang planong pag kunsider sa ikatlong COVID-19 shot.