Noon pa plano ng ISIS na gawing panibagong base of operations ang Pilipinas lalo ang Mindanao matapos ang kanilang kabiguang magtatag ng caliphate o wilayat sa Indonesia.
Ayon sa Singaporean terror analyst na si Dr. Rohan Gunaratna, nagsimula ang expansion ng ISIS noong 2014 nang magdesisyon sila na lumabas ng Iraq, Iran, Syria at Middle East.
Kabilang sa mga tinarget ng Islamic State ang Africa, Caucasus Region o boundary ng Asya at Europa at timog-silangang Asya.
Isa anyang oportunidad para sa ISIS ang pagpapahayag ng suporta sa kanila ng Abu Sayyaf, Ansar Khalifa Philippines, Maute Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Samantala, pinayuhan ni Gunaratna ang gobyerno ng Pilipinas na panatilihin ang lokal na tradisyon ng Islam, na ilang siglo ng namamayagpag sa bansa at huwag hayaang lumaganap ang wahhabism.
Ang wahabismo ay isang uri ng “ultra-conservative form” ng Islam kung saan may katapat na mga parusa ang sinumang hindi susunod.
By Drew Nacino
Plano ng ISIS na gawing base of operations ang Pinas ibinunyag was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882