Dapat na ilatag ng mga kakandidato sa national position sa darating na election ang mga plataporma nito kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Ito ang hamon ni House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kasunod ng insidente ng pagharang ang mga barko ng Chinese Coast Guard sa supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Zarate dapat na maging mas aktibo ang bansa sa pakikipaglaban nito sa karapatan at teritoryo dahil aniya’y maaring hindi sapat ang demokratikong protesta.
Kaugnay nito, hinamon rin ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares ang mga tatakbo sa pagka presidente at bise presidente kung pabor ba o laban ang mga ito sa aniya’t pro China policy ng administrasyon.
Matatandaang nitong Martes, naiulat ang insidente ng pagharang ng 3 chinese vessels sa dalawang supply boat ng bansa na ayon sa DFA ay magdadala sana ng pagkain para sa mga militar na nakatalaga sa lugar. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)