Dapat kasuhan o suspendihin na lamang ang mga barangay official na sangkot sa iligal na droga sa halip na magtalaga ng mga bagong opisyal.
Ito ang inihayag ng political analyst na si Professor Ramon Casiple sa gitna ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na lamang ng mga officer-in-charge sa halip na ituloy ang barangay elections sa Mayo.
Ayon kay Casiple, hindi magiging patas ang plano ng Pangulo lalo’t hindi naman lahat ng barangay official ay sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple
By Drew Nacino