Tiniyak ng Malakanyang na tatalima sila sa Korte Suprema sakaling maglabas ito ng desisyon sa isyu ng pagpapawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kanilang nirerespeto ang plano ng Senado na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng pagpapaterminate ng Pangulo sa VFA nang walang pagsang-ayon mula sa Senado.
Sinabi ni Panelo, bagama’t wala nang plano pa ang Pangulo na bawiin ang pasiyang i-patigil ang VFA, ang Korte Suprema pa rin ang may pinal na desisyon hinggil dito.
Magugunitang nitong Pebrero a-onse pormal na ipinadala ng department of affairs sa Estados Unidos ang notice of termination ng VFA.