Inaasahan na maririnig ng taumbayan ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bansa sa kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address ngayong araw.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Political Analyst at UST professor Dr. Froilan Calilung, na hindi lamang ito basta road map sa loob ng anim na taong pamumuno ng pangulo kundi nakatuon din ito sa fiscal sufficiency at food security.
Naniniwala din siya na kaya pinamunuan ni Marcos Jr. ang Department of Agriculture bilang kahilim dahil nais nito na palakasin pa ang food security partikular na ang agrikultura ng bansa.
Dagdag pa ni Calilung na kailangan rin makita kung papaano babalangkasin ng economic managers ng Pangulo ang usapin patungkol sa kakulangan sa pagkain.
Ang nakikita ko rito na maari niyang gawin is revitalization on some of the programs that were carried out his father during his time, like yung masagana 99, kadiwa among others, pero hindi kasi pwedeng basta-basta ipapasok sa panahon natin ngayon, siguro dapat may mga modifications and improvements doon sa designs and structure d ng programa na ito para maging angkop siya sa kasalukuyang panahon.”