May magandang plano na nakalatag mismo si Pangulong Ferdinand Marcos jr. para sa mga magsasaka ngayong panahon ng El Niño.
Ito ang sinabi ni National Irrigation Administration Administrator Eduardo Guillen na Whole-of-Government Approach” ang nais na ipatupad ni PBBM sa kalamidad sa bansa kung saan ang unang naaapektuhan ay ang mga magsasaka.
Batid din aniya ng mga magsasaka ang sinseridad ng pamahalaan para matulungan sila.
Hindi lamang ang Department of Agriculture at NIA ang handang umalalay sa mga apektadong magsasaka,maging ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ilan sa mga ito ay ang DSWD at dole na pawang kalahok sa bayanihang magbibigay tulong sa mga magsasaka. – -sa panunulat ni Jeraline Doinog