Inaasahang iaanunsyo na ni Senador Grace Poe ang kanyang plano sa 2016 sa katapusan ng buwan.
Ito ay ayon sa prospective running mate ni Poe na si Senador Francis Escudero.
Kasabay nito, sinabi ni Escudero na kumpyansa siyang idedeklarang natural born-Filipino si Poe ng Senate Electoral Tribunal o SET.
Matatandaang isinantabi na ng SET ang residency issue ni Poe sa inihaing quo warranto petition ni Rizalito David laban sa senadora.
By: Meann Tanbio