Sinang-ayunan ng Department of National Defense (DND) ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng armas ang mga nagsipagtapos sa Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) .
Ito’y ayon sa Pangulo ay kung sakaling lumala ang sitwasyon ng terorismo sa bansa at kinakailangan ang karagdagang puwersa para masupil ito.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nuon pa nila pinaplanong lagyan ng reserve unit ang mga lalawigan na binubuo ng mga retiradong sundalo at mga ROTC Graduates.
Bibigyan ang mga ito ng regional headquarters na mayruong armory kung saan maaaring itago ang kani-kanilang mga baril na maaaring gamitin sa mga pagsasanay at pakikipaglaban.
Jaymark Dagala / Jonathan Andal / RPE