Dinepensahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang planong pagsasagawa ng national canvassing sa Manila Hotel, sa halip na sa PICC na nakagawian na.
Sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na kung nabababawan ang publiko sa kanilang plano, dapat laliman ng mga ito ang kanilang pang-unawa kung bakit pinili nila na gawin ang canvassing sa Manila Hotel na isang five-star hotel.
Iginiit ni Jimenez na mas mura ang magagastos sa Manila Hotel kesa sa PICC.
Nilinaw din ng opisyal na ang ipinanukala nilang canvassing venue ay hindi ang main hotel building bagkus ay tent lamang na pagmamay-ari ng nasabing hotel.
By Meann Tanbio | Allan Francisco