Dapat nang ibasura ng pamahalaan ang planong pag-amyenda sa konstitusyon.
Reaksyon ito ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio sa Pulse Asia survey kung saan lumabas na dalawa sa kada tatlong Pinoy ang tutol sa Charter change.
Ayon kay Tinio, dapat maging senyales na ito sa gobyerno dahil bukod sa Charter change, lumabas rin sa survey na mayorya ng mga Pilipino ang ayaw sa federalismo.
“Dapat ibasura na ang anumang panukala ng Duterte administration na itulak ang Charter change lalo na sa pagbubukas muli ng SONA, very clear ang sentimyento ng publiko na ayaw nila ‘yan.” Ani Tinio
Kumbinsido si Tinio na lalong darami ang tututol sa Charter change at sa federalismo sa sandaling malaman nila ang mga nilalaman ng bagong konstitusyon na ginawa ng Constitutional Commission.
“Ang pagdagdag ng martial law or emergency powers ni Pangulong Duterte o kung sino man ang magiging presidente sa hinaharap, pinapadali pa ang pag-declare ng martial law at binibigyan ng emergency powers ang presidente kahit walang batayan.” Pahayag ni Tinio
(Ratsada Balita Interview)