Bilyong Pisong halaga ng dagdag na pondo para sa mga barangay ang isinusulong sa Kamara.
Layunin ng House Bill 7493 o “Barangay Equalization Fund,” na tulungan ang mga mahirap na barangay partikular ang mga nasa rural area na kapos sa resources para magkaloob ng basic services sa kanilang constituents.
Inihirit ng mga bill author na sina Kabayan Party-List Representatives Ciriaco Calalang at Ron Salo na isama sa Annual General Appropriations Act ang naturang panukala bukod pa sa internal revenue allotment share ng mga barangay mula sa national government.
Sa ilalim ng panukala, makatatanggap ng dagdag 6 Million Pesos ang mga barangay mula sa 4th, 5th hanggang 6th Class Municipalities habang dagdag 5 million pesos sa mga nasa 1st, 2nd at 3rd class municipalities.
Karagdagang 4 Million Pesos naman ang matatanggap ng mga barangay sa 4th, 5th at 6th class cities at dagdag 3 Million Pesos para sa mga nasa 1st, 2nd at 3rd class cities.