Aminado si Senate President Franklin Drilon na madidismaya siya, sakaling hindi matuloy ang planong presidential at vice presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Drilon, mahalaga ang naturang debate, upang malaman ng mga botante ang posisyon ng bawat kandidato sa mga pangunahing isyu sa bansa.
Iginiit ni Drilon na sa halip na popularidad, makabubuting pumili ng mga susunod na lider ng bansa, batay sa kanilang mga plano para sa bayan.
Maliban sa presidential at vice presidential debates, iminungkahi din ni Drilon ang pagkakaroon ng kaparehas na debate, para sa mga nais tumakbo sa pagka-senador.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)