Pinasususpinde na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang planong dredging operation ng isang Chinese vessel sa Lobo, Batangas.
Ayon kay Enviroment Undersecretary Benny Antiporda, bagaman mayroong environmental compliance certificate ang Seagate Engineering and Buildsystems, wala naman itong permit to operate at transport mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Hindi rin anya pinagbigyan hinihinging permit for extraction ng naturang kumpanya noong Pebrero.
Inabisuhan naman ni Antiporda ang local government ng Lobo na palitan na ang mga inissue nitong permit simula noong 2008 sa pamamagitan ng pagbuo ng resolusyon na nagkakansela sa mga permit.
Magugunitang nangamba ang mga residente sa biglang pagsulpot ng MV Herald na kasalukuyang naka-daong sa bukana ng Lobo River.