Idinepensa ng DILG o Department of Interior and Local Government ang plano nilang paglalagay ng drug free stickers sa mga bahay na isinailalim sa Oplan Tokhang.
Ayon kay DILG Secretary Mike Sueno, isa itong hindi marahas na hakbang upang maipagpatuloy ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Ang Peace and Order Council o POC anya ng bawat lugar ang puwedeng magsagawa ng beripikasyon kung mayroon pang adik o tulak ng bawal na gamot sa isang bahay.
Nagawa na anya ang ganitong istilo ng kampanya sa Bohol at wala naman silang nakitang problema sa paglalagay ng stickers na drug free sa mga bahay na hindi na napatunayan nilang hindi na infected ng droga.
Una rito, pinuna ng CHR o Commission on Human Rights na tila isa na namang paglabag sa karapatang pantao ang planong ito ng pamahalaan dahil siguradong mga lugar lamang ng mahihirap ang tatamaan ng kampanyang ito.
By Len Aguirre