Suportado ng Pilipinas ang plano ng Estados Unidos na magsagawa ng freedom of navigation operations sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Asst. Secretary Charles Jose, Spokesman ng Department of Foreign Affairs (DFA), naaayon rin sa international law ang plano ng Amerika na magpadala ng mga barko sa sa 12 nautical miles na layo mula sa mga nilikhang isla ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Jose, tama lamang ang gagawin ng Amerika dahil ang isyu sa West Philippne Sea ay dapat tignan ng lahat ng bansa dahil mali ang ginagawang pangangamkam ng teritoryo ng China.
Una rito, sinabi ng Amerika na bagamat hindi sila kasama sa mga nag-aagawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, ang kanilang interest ay ang karagatang dinaraanan ng mga kalakal na galing sa iba’t ibang panig ng mundo.
By Len Aguirre