Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang gagawing pagbabahay-bahay ng LGU’s upang tukuyin ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ito ay para lang sa demand generation at hindi aniya ito nangangahulugan na dadalhin ang mga bakuna sa mismong tahanan ng mga hindi pa nabakunahan.
Ayon pa kay Malaya, ang pagha- house to house na ito ay paraan lamang upang mahikayat at makumbinsi ang publiko na magparehistro at magpabakuna na laban sa COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico