Suportado ni dating University of the East-college of law Dean Amado Valdez ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-pull out na sa Mindanao ang tropa ng U.S. Armed Forces.
Ayon kay Valdez, walang ligal na basehan ang pananatili sa bansa ng U.S. Forces.
Hindi anya dapat permanente ang pananatili ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas alinsunod sa Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Sa ilalim ng EDCA, hindi maaaring maglagay ng mga permanenteng base militar ang mga tropang kano sa Pilipinas dahil paglabag ito sa saligang batas ng bansa.
By: Drew Nacino