Nababahala ang ilang residente sa Marawi City sa panukalang ID system para sa mga displaced residents.
Ito ayon kay Aida Ibrahim, Spokesperson ng Tindeg Ranao ay dahil sa banta ng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao.
Sinabi ni Ibrahim na nangangamba silang mapulitika at magdulot nang pagtatakwil ng mga pamilya ang naturang ID system lalo na yung mga kontra sa Martial Law sa Marawi City na epekto pa rin habang nire-rehabilitate ito.
Ang pagtatalaga aniya ng ID system ay katulad lamang ng dating polisiya sa ilalim ng war on terror sa mga dating target Moro communities sa Sulu, Maguindanao at maging sa Maynila.
Kaugnay nito, nilinaw ni Marawi City Mayor Mahul Gandamra na walang exemption sa pag-iisyu ng ID, mapa-Muslim man o Kristiyano.
—-