Nanindigan ang gobyerno ng Pilipinas na mayroong political agenda ang planong imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Sa pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, kaniyang iginiit na hindi yuyuko ang bansa sa nais ng ICC na imbestigahan kung mayroong nilabag sa karapatang pantao ang drug war sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Remulla, posibleng sinadya ng ICC ang planong imbestigasyon para maipasok ang political agenda sa pilipinas na may sariling ligal na sistema.
Sinabi pa ni Remulla, na nais lamang ng ICC na kuhain ang tungkulin ng gobyerno sa bansa upang punahin ang paraan ng pamamalakad sa Pilipinas ng duterte administration.
Bukod pa dito, wala ring kaapatan ang ICC na mag-operate o mangialam sa sistema at hukuman ng bansa.
Sa ngayon, naghain na ng resolusyon sa senado ang mga mambabatas kabilang na sina senator robin padilla at dating pangulo na ngayon ay House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para depensahan si dating Pangulong Duterte sa pag-iimbestiga ng ICC sa drug war.