Pinabulaanan ng Commission on Human Rights o CHR ang lumabas na balita sa Agence France Presse (AFP) na iimbestigahan nila si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay pa rin ito sa naging pag-amin ng Pangulo na may napatay siyang kriminal sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang alkalde ng Davao noong 1988.
Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, hindi totoo na bubuo sila ng grupong mag-iimbestiga sa usapin dahil wala namang bagong lead para muling buksan ang imbestigasyon hinggil sa Davao Death Squad.
Batay sa ulat ng AFP, sinabi umano ni Gascon na kanilang sisiyasatin ang mga bagong rebelasyon at pag-amin ng Pangulo na posibleng makapagbigay-linaw sa mga naunang findings hinggil sa DDS o Davao Death Squad.
By Jaymark Dagala