Nababahala si Senador Leila de Lima sa planong isulong ni Senador Richard Gordon na pagkalooban ng emergency power ang Pangulo para isuspinde ang Privilege of the Writ of Habeas Corpus.
Sinabi ni De Lima na base sa pagkakakaalam niya, tanging maaaring ground o basehan sa pagsuspinde sa writ of habeas corpus ay invasion o kaya’y rebelyon.
Kung gagamitin anyang basehan para rito ang giyera kontra droga, mistulang ginawang literal ang pag-intindi sa “war against drugs” gayong figure of speech lamang ito.
Iginiit ni De Lima na hindi uubrang ikunsidera na rebelyon ang “war against drugs” kaya’t dapat maghinay-hinay sa bagay na ito.
Sa halip na tawaging “war against illegal drugs”, mas magandang gamitin ay intensified campaign against illegal drugs.
Para kay De Lima, mas makabubuting tingnan kung ano muna ang kahihitnan ng idineklarang state of national emergency bago ikunsidera ang suspensyon ng privilege of the writ of habeas corpus dahil lalabas na may creeping martial law na nangyayari sa bansa.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 19) Cely Bueno