Tahasang sinabi ni Senador Franklin Drilon na plano ng administrasyon na maneobrahin ang panukalang Charter Change.
Ayon kay Drilon, sa ilalim ng Cha-Cha planong maisakatuparan ang isinusulong na ‘term extension’ ng mga kongresistang kaalyado ng Duterte administration.
Sakali kasi aniya na magtagumpay ang pagpasa sa nasabing panukala ay nasa walumpung (80) kongresista na magtatapos ang termino ang tiyak na makikinabang.
Paliwanag ni Drilon, batid ng mga kongresista na kapos na sa panahon para matapos ang Charter Change bago ang barangay at SK elections sa Mayo ngayong taon.
Giit ni Drilon, masama sa demokrasya ng bansa ang planong pagpapaliban ng eleksyon dahil karapatan ng taumbayan na pumili ng kanilang nais na pinuno batay sa itinatakda ng Saligang Batas.
—-