Posibleng malugi ang pamahalaan dahil sa planong magbenta ng bente pesos kada kilo ng bigas hanggang sa 2028 o pang-matagalan.
Sinabi ni Grains Retailers Confederation of the Philippines Spokesman Orly Manuntag sa DWIZ, na dapat paigtingin din ng Department of Agriculture ang cluster farming upang mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa.
Nangangamba rin ang grupo na maaaring malugi o bumagsak ang kita ng mga magsasaka at rice retailers dahil sa murang pagbebenta ng produkto.
Dahil dito, isinusulong ng grupong GRECON na dapat magkaroon ng minimum selling price sa palay upang hindi mabarat o malugi ang mga magsasaka.