Hindi pabor ang Philippine Nurses Association (PNA) ang plano ng mga health workers na magsagawa ng mass resignation.
Ayon sa grupo na hindi nila masisisi ang medical healthworkers na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang mga benepisyong ipinangako ng pamahalaan gaya ng hazard pay.
Sinabi ng PNA National President Melbert Reyes, hindi pinapahalagahan ng gobyerno ang mga health workers ang sakripisyo ng mga ito laban sa COVID-19.
Samantala, nasa 14% na ang nag-resign sa mga pribadong ospital sa kanilang trabaho.