Tuluyan nang inabandona ang planong merger sa pagitan ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.
Ito ang naging desisyon ng oversight body ng government owned and controlled corporations o GOCC’S matapos mag-isyu ng En Banc Resolution ang governance commission for GOCC kung saan kinakansela ang implementasyon ng executive order number 198 na inisyu ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ang nasabing En Banc resolution ay pirmado nina GCG Chairman Jaime Ma. Flores III; Commissioners Michael Cloribel at Samuel Dagpin Jr.; kasama rin sina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Budget Secretary Benjamin Diokno bilang ex-officio members.
Nakatakdang magsumite ng memoranda ang governance commission kay Pangulong Rodrigo Duterte para ipaalam ang naging resolusyon na ibinabasura na ang planong merger ng Landbank at Dbp.
Naniniwala si Finance Secretart Carloz Dominguez na binuo ang Landbank at DBP ng may magkaibang layunin at hindi ito makapagsisilbi sa publiko sakaling pag-isahin ang dalawang financial institution.
By: Meann Tanbio