Hinimok ni Senador Grace Poe ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na ipagpaliban ang plano nitong pagbabawal sa mga sasakyang driver lamang ang laman sa pagdaan sa EDSA kung rush hour.
Sinabi ni Poe, Chair ng Senate Committee on Public Services na dapat magkaroon ng masusing pag-aaral, dry run at malinaw na rules bago ipatupad ang nasabing ban.
Dapat aniyang magkaroon ng trial period at tingnan kung magiging epektibo ito.
Ayon pa kay Poe, maaaring maganda ang intensyon ng MMDA sa nasabing hakbangin na hindi dapat madaliin lalo na’t mahigit kalahati ng mga may ari ng sasakyan ay maaapektuhan.
—-