Walang magiging epekto sa Manila Electric Company (MERALCO) ang planong pag-aalis ng value added tax (VAT) sa mga utilities.
Pinag-aaralan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior para mabawasan ang pasanin ng mga mamamayan, sa gitna ng lalo pang pagmahal ng mga bilihin bunsod ng pagtaas ng inflation.
Sa panayam ng DWIZ kay Claire Feliciano, Public Relations Head ng MERALCO, sinabi nito na susunod lamang sila sa direktiba sa oras na ito’y maisabatas.
Inihayag naman ni Feliciano na makatutulong ang plano sa oras na maipatupad, lalo na sa kanilang magiging singil sa publiko.