Dismayado si US President Donald Trump sa planong pag-alis sa statue ng Confederate General Robert E. Lee.
Kalokohan, ayon kay Trump, ang nasabing hakbang dahil sa tila pinaghihiwalay na ang kasaysayan at kultura ng bansa.
Idinagdag pa ng Pangulo ng Amerika na walang sinumang makakapagpabago ng kasaysayan.
Matatandaang nagkaroon ng madugong kaguluhan sa Charlottesville, Virginia kung saan nagkasagupa ang mga grupo na sang-ayon at kontra sa pagtanggal ng naturang estatwa.
By Meann Tanbio