Nilinaw ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Information Chief Nazario Briguera, na hindi makakaapekto sa local produce ng bansa ang pag-angkat ng mga isda sa Disyembre.
Ayon kay Briguera, aabot sa 25,000 metriko tonelada ng isda ang aangkatin ng Pilipinas na binubuo ng galunggong, hasa-hasa, tulingan, bonito at moonfish.
Sinabi ng opisyal, na kalahati lamang umano ang nakikitang kakulangan sa bansa dahil ang natitirang kalahati pa nito ay kaya namang mapunan ng local produce.
Iginiit ni Briguera, na tanging ang mga apektadong commercial fishing vessel operators at accredited na mga kooperatiba ng mga mangingisda ang maari lang mag-apply para sa importation ng isda.
Sa kabila nito, siniguro ng ahensya na hindi tatamaan ang kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda.