Labag sa konstitusyon ang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na lamang ng barangay chairmen sa harap ng kagustuhan nyang ipagpalibang muli ang barangay elections.
Ayon kay dating Commission on Elections (COMELEC) Chairmen Sixto Brillantes, malinaw sa konstitusyon na dapat ay inihahalal ang barangay chairmen.
Gayunman, sinabi ni Brillantes na kung desidido ang Pangulo na magtalaga na lamang ng barangay chairmen dapat ay atasan niya ang Kongreso na maglagay ng ganitong probisyon sa sandaling magpasa sila ng batas para sa panibagong pagpapaliban ng barangay elections.
Dagdag na mungkahi ni Brillantes ay ipaubaya ang pagtatalaga ng barangay chairmen sa mga local officials dahil hindi anya magandang tignan na Pangulo na ang gagawa nito.
Agad nilinaw ni Brillantes na ang termino lamang ng itatalagang barangay chairmen ay magtatagal lamang hanggang sa susunod na eleksyon sa 2019 kung saan obligado uli ang gobyerno na magsagawa ng eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni former COMELEC Chairman Sixto Brillantes
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)