Napigilan ng mga otoridad ang planong pag-atake ng grupong Abu Sayyaf sa kasagsagan ng 31st Asean Summit.
Ito ay makaraang maaresto ng pulisya ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na sina Abdulgaffar jikiri alyas Abu Bakar Jikiri, Sadam Jhofar at Alim Sabtalin sa barangay Culiat sa Quezon City na pawang mga taga Basilan.
Ayon kay PNP chief Ronald Dela Rosa, kabilang sa target atakihin ng mga bandido ang mga mall, Quezon Memorial Circle at iba pang vital installations sa Metro Manila.
Nasabat sa mga suspek ang iba’t ibang uri armas, pampasabog, bala at cellphone.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni PNP chief Dela Rosa
3 hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na nagtangka umanong umatake noong ASEAN Summit, naaresto ng PNP sa Salaam Compound Culiat, QC @dwiz882 pic.twitter.com/23r9kfXsnh
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 17, 2017