Napigilan ng militar ang pag-atake sana ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Barangay Malagkit, Pigcawayan Cotabato.
Ayon kay Captain Arvin Encinas, Spokesman ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa planong pag-atake ng BIFF kaya’t naka-posisyon agad ang mga sundalo.
Tinatayang tatlumpung (30) miyembro ng BIFF sa pangunguna ng isang Commander Aguila ang dumaong sa Barangay Malagakit at agad na nagpaputok ng baril.
Gayunman, hindi na nakausad ang mga bandido dahil sinalubong na sila ng nakahandang militar.
—-