Nabunyag ang di umano’y planong pag-atake ng Maute at Abu Sayyaf Group sa Basilan at tatlo pang syudad sa Mindanao.
Nakasaad ito sa pitong pahinang liham ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na humihiling ng limang buwang extension ng Martial Law.
Ayon sa liham ng Pangulo, nakatanggap sila ng intelligence report hinggil sa nilulutong pag-atake ni ASG Leader Isnilon Hapilon at Maute Group sa Basilan, Cagayan de Oro, General Santos at Zamboanga City.
Nagpadala na anya ng pondo si Hapilon kay ASG Sub Leader Furuji Indama at inatasan na ang mga natitira pang miyembro ng AKP o Ansarul Khalifa Philippines para magsagawa ng pambobomba sa piling mga lugar sa Mindanao kabilang ang Lanao del Norte.
Binigyang diin ng Pangulo sa kanyang liham na mabibigat ang mga dahilan kayat kailangang palawigin hanggang katapusan ng taong ito ang Martial Law.
By Len Aguirre
Planong pag-atake sa Basilan at 3 syudad sa Mindanao ibinunyag was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882