Kinansela na ng Department of Transportation (DOTr) ang planong pagbenta o pag-auction sa private sector ng modernization at operational plans ng limang (5) regional airports na nagkakahalaga ng kabuuang 108 billion pesos.
Ang mga ito ay ang Davao, Bacolod, Iloilo, Laguindingan at New Bohol airports.
Inihayag ng Public Private Partnership Center na idaraan na lamang nila sa ibang paraan ang pagpopondo sa development ng mga airport.
Ang limang nabanggit na PPP Projects ay minana ng Duterte administration kay dating Pangulong Noynoy Aquino na ilalarga sana noong isang taon subalit naunsyami dahil election season.
Ito sana ang ikalawang airport PPP matapos ang Mactan-Cebu International Airport na ini-award sa Megawide Construction Corporation at GMR Infrastructure ng India noong 2014.
By Drew Nacino