Hindi apektado ang Malakanyang sa plano ng ilang oposisyong mambabatas at ilang personalidad na iboykot ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi sa DWIZ ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na mayroong demokrasya sa bansa at hindi naman pinipilit ang lahat na dumalo sa SONA ng Presidente.
Kung ayaw dumalo sa Batasan ang oposisyon ay walang problema aniya dahil maaari naman ang mga ito na manood sa telebisyon o makinig sa radyo.
Kabilang sa posibleng hindi dumalo sa SONA ni Pangulong Duterte ay si dating Pangulong Benigno “noynoy” Aquino III, at ilang senador na nasa oposisyon.
By: Aileen Taliping
Planong pag boycott ng oposisyon sa SONA ng Pangulo wala umanong epekto was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882