Ipinagdiinan ni Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na kailangang mapag-aralang mabuti ang planong pag-iimbestiga ng Senado sa usapin ng umano’y ill-gotten wealth ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ipinaliwanag ni Gordon na si Bautista ay isang constitutional official at kung i-impeach ito mas makakabuti na umpisahan ito sa Kamara upang hindi magdoble ang imbestigasyon.
Kung sakali aniyang i-impeach si Bautista, silang mga Senador din ang uupo bilang mga Senator-Judges.
Dagdag pa ni Gordon, maaari namang mag-imbestiga ang Senado sakaling walang mangyari sa posibilidad na impeachment complaint na ihahain kay Bautista.
Nauna nang naghain ng resolusyon sa Senado si Senador Vicente “Tito” Sotto na humihiling imbestigahan ang naturang kontrobersya na kinatigan naman ng mga kapwa mambabatas.
By Meann Tanbio