Minaliit ng Malakaniyang ang plano ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ang mga umano’y Summary Executions o pagpatay sa mga sangkot sa iligal na droga
Ayon kay Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, bagama’t tungkulin ni De Lima ang mag-imbestiga in Aide of Legislation, wala siyang nakikitang batayan para gawin ito ng Senadora
Pawang mga ispekulasyon o haka-haka lamang aniya ang sinasabing Summary Execution sa mga drug suspect at malinaw aniyang pagtatangka ng senadora na siraan ang isinasagawang operasyon ng pulisya laban sa malalang problema ng droga sa bansa
Binigyang diin pa ni Panelo, bahagi rin ng mandato ng Philippine National Police ang pag-iimbestiga kapag may napapatay na sibilyan
By: Jaymark Dagala