Dapat umanong mapigilan ang anumang pinaplano ng pambansang pulisya na i-promote pa si Superintendent Marvin Marcos.
Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Lacson, ito ang rason kung bakit niya tinanong sa hearing kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa kung ang pagkakatalaga kay Marcos bilang hepe ng PNP CIDG Region 12 ay entry point nito para ma-promote bilang senior superintendent.
Iginiit ni Lacson na mabuti nang malaman nina Dela Rosa na nakabantay ang senado sa anumang binabalak nila para kay Marcos.
Kumbinsido rin ang senador na may cover up na nangyari sa pag-downgrade ng Department of Justice (DOJ) sa kaso laban kina Marcos kaya’t halos nagbanggaan at hindi nasunod ang mga circular ng kagawaran.
Kaugnay nito, plano ni Lacson na magsagawa ng panibagong hearing sa naturang usapin.
- Meann Tanbio | Story from Cely Bueno