Welcome kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director-General Aaron Aquino ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang Philippine National Police o PNP bilang lead agency sa war on drugs.
Ayon kay Aquino, nirerespeto niya ang pasya ni Pangulong Duterte na isang mabuting balita lalo’t limitado lamang ang pondo, kagamitan at tauhan ng PDEA.
Sa katunayan anya ay kanyang hiniling noon na panatilihin ang PNP sa kampanya kontra iligal na droga pero mas magiging madali ang kampanya kontra iligal na droga kung magtutulungan ang lahat.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Aquino na nasa 1300 operasyon ang kanilang isinagawa at 53 millio pesos na halaga ng illegal drugs na ang kanilang nasabat sa loob lamang ng isang buwan.
—-